Isa ka din ba sa 95% ng networkers sa Pilipinas na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaresulta? Nakakalungkot para sa akin na nakikita ang maraming tao na nagpi-fail sa pinasok nilang networking company. Nabuhay na muli ang mga pangarap nila pero sa kasamaang palad hindi pa rin nila nakuha ito. Hindi mo rin pwedeng isisi sa company kung bakit ganun ang kinalabasan kasi ikaw din naman talaga ang magpapatakbo ng sarili mong business at lahat ng resulta ay depende sa akson na gagawin mo.
Maraming networker sa panahon ngayon na hindi pa rin yumaman sa business o networking company na pinasok nila. Siguro isa sa lang sa mga rason ay hindi talaga lahat pwedeng yumaman sa networking. Maraming tao ay wala pa ring resulta sa kanilang business. Sa article na ‘to ituturo ko sa’yo ang ilan sa mga rason kung bakit maraming tao ang hindi nagiging successful sa napili nilang networking company. Ituturo ko rin sa’yo ang ilan sa mga suggestion na pwedeng mong gawin para maging successful sa business na pinasok mo.
Magiging honest lang ako sa’yo, actually nung nagsisimula rin ako sa business na pinasok ko ay ginagawa ko rin halos lahat ng mga rason na nasa ibaba.
ITO ANG ILAN SA MGA RASON KUNG BAKIT MARAMING NAGPI-FAIL SA NETWORKING?
1. Lack of Training/No Self Growth. Kung ikaw yung tipo ng tao na ayaw magpaturo, hindi umaattend sa mga trainings, hindi naglalaan ng oras para aralin ang business, magpi-fail ka talaga. Don’t expect na magiging succesful ka sa business na pinasok mo kung ikaw mismo kulang ang kaalaman sa pinasok mo.
– I suggest to invest time to learn your business as soon as posible para hindi ka mahirapan at magfail. Kaya nga merong mga trainings para ang mga bagay na mahirap ay maging madali na lang para sa’yo.
2. Attitude Problem. When it comes to netwoking, Attitude is more important than education. Kung sino pa ang matatalino o mga top sa klase, sila pa ang nagpi-fail sa networking dahil nga ayaw nilang magpaturo kasi sila yung mga tao na marami na daw nalalaman. Kung kaya’t hindi sila basta nagpapaturo lalo na kung alam nila na mas matalino sila kesa sa taong nag-invite sa kanila.
– Naniniwala ako na may alam ka, na hindi ko alam pero may alam ako na hindi mo rin alam pero when it comes to business kung sino ang nauna sa’yo, sila yung mas nakakaalam, kaya dapat makinig ka sa mga tao na mas nakakaalam sa business, kung bago ka pa lang wag mong pangunahan ang nag-invite sa’yo.
3. No Goals Set. May kasabihan tayo na, “If you fail to plan, you plan to fail.”
– Mag-isip ka ng goal na gusto mong makuha at dapat may deadline ito, Plan and take action para makuha mo ito.
4. Non-Consistent Action. Ginagawa lang ang business kung kailan nila gustong gawin ito.
– Kailangan na laging meron kang aksyon na gawin para lumaki pa lalo ang business mo. Aksyon na may kasamang team work, work as a team and your team will work.
5. Laziness and Procrastination. Walang ginagawang aksyon para sa kanyang business, period. Siguro hindi talaga sila seryoso na makuha ang mga pangarap nila, o meron pang ibang rason?
– Alam naman nating lahat na wala talagang mangyayari sa mga taong ganito.
6. Fear of Failure. Nagdududa sa kanilang kakayahan para maging successful at natatakot sa pagharap sa mga magiging resulta ng pagkakamali nila. Karamihan ay takot na mag-fail dahil naranasan na nila ito dati sa mga past experiences nila.
– You will never become successful unless you fail. FAIL means First Attempt In Learning. Kaya ka nagpi-fail kasi meron ka pang mga dapat matutunan, at kapag nag-fail ka, magkakaroon ka ng mga experience at dun sa mga experience na yun makakagawa ka na ng mga tamang desisyon para maging successful.
7. Fear of Rejection. Karamihan ay natatakot na tanggapin o pinepersonal nila ito at ayaw nilang tanggapin ang mga tao na nagsasabi ng “HINDI” sa kanila kaya hindi sila gumagawa ng aksyon.
– Ito tandaan mo na wala ka pa sa business na pinasok mo ikaw ay nari-reject na. Hindi naman lahat bagay na gusto mo ay nakukuha mo diba? Matuto ka din na mag-next. Kung ayaw sa inooffer mo, wag mo ng pilitin pa. Apply this SW3NEXT Principle. Some will join, Some will not, So what! NEXT!
8. Fear of What Others Think. Nagpapadala sila sa mga iniisip ng ibang tao sa kanila.
– Wag na wag mong iisipin ang iniisip ng ibang tao para sa’yo. Unang una hindi naman nila hawak ang buhay mo. Gawin mo lang ang sa tingin mong makakabuti para sa’yo at sa pamilya mo.
9. Fear of the Uncertainty and the Unknown. Ito ay nangyayari kung baguhan ka pa lang at hindi ka pa familiar sa pinasok mong business. Natatakot sila sa mga pwedeng mangyari sa pinasok na business kasi di alam kung ano nga ba ito.
– Like what I said, aralin mo muna ang business na pinasok mo. Knowledge first. If you know what you are doing, you have an edge already.
Kung nakita mo ang sarili mo sa isa sa mga nasa taas, may pag-asa ka pa. Simulan mo na ang pagbabago ngayon, hindi bukas, hindi next week, hindi next year, ngayon na mismo para sa ikatutupad ng mga pangarap mo.
Naniniwala ako sa galing mo na kaya mong maging succesful. Live your Dreams. Live your Life.
ALWAYS REMEMBER KNOWLEDGE IS POWER.. WHEN YOU APPLY IT.. kaya Go-on Friend Oras na Para mag Apply mo ang natutunan mo sa Article na ‘to 
Lastly 
May you reach all your dreams and aspirations in life,You only got one shot in this thing called Life,
Give your best and Go for it!
Did This Blog Help You? If so, If they did please do me a favor LIKE and SHARE them with someone who this could benefit from it. I would greatly appreciate if you Like My Facebook Page. I’ll be glad share my opinion, strategies and techniques in order for me to help you in some ways. Good Luck!
No comments:
Post a Comment