Saturday, February 7, 2015
ANG NEGOSYONG PWEDENG MAG PAYAMAN SAYO,,,,
Hi FRIEND,
Hindi lahat ng negosyo, pwedeng magpayaman sa iyo. Pag-aralan muna natin ang mga uri ng negosyo at alin ang dapat mong pasukin para yumaman ka.
Una. Stand alone business. Ito yung mga business na stand alone. Nag-iisa. Solo kang namuhunan. Nag-iisa ang pwesto mo. Halimbawa, sari-sari store. Karinderia. Restaurant. Internet shop.
Sa ganitong mga business, pwede kang kumita. Pwedeng magboom. Pwedeng hindi. Dito sa negosyong ito, kailangan na full-time na tutukan mo ito, kung hindi, malulugi ka. Traditional business, ika nga. Kung magkasakit ka, sarado ang tindahan mo, wala kang kita. Araw-araw mong tututukan ang pwesto mo. Magbabayad ka ng kuryente, pwesto at tao para mapatakbo mo nang maayos ang negosyo mo. Mamumuhunan ka, at least, mga P50,000 para sa ganitong klaseng negosyo.
Pangalawang klase ng negosyo, yung negosyong may LEVERAGE. Leverage? Ano yun? Ito po ang sikreto ng mga super yaman sa Pilipinas kagaya nina Lucio Tan at Henry Sy.
Ang ibig sabihin po ng leverage, you multiply your time thru other people. Halimbawa po, si Henry Sy. Pinarami nya ang sarili nya sa pamamagitan ng ibang tao. Di ba, ang daming SM na nagsusulputan ngayon? Sa bawat SM, ang daming empleyado. Bawat empleyado na yun, nagtatrabaho kay Henry Sy.
Halimbawa, ang isang SM saleslady sa SM Davao, nakabenta ng sapatos, kumita ba si Henry Sy? Of course! Kahit hindi sya ang nagbenta, kumita sya!
Ganyan din si Lucio Tan na may-ari ng Fortune Tobacco at Philippine Airlines. Sa bawat taong sumasakay sa PAL, kumikita ba si Lucio Tan? Of course! Sya pa ang nagbebenta ng ticket ng PAL? Sya ba ang piloto ng eroplano? Hindi! Pero kumikita sya sa trabaho ng ibang tao. Yan ang leverage!
Kung gusto mo talagang yumaman, Jhun, dapat, pumasok ka sa negosyong may leverage. Yung pwede mong paramihin ang sarili mo at pwede kang kumita sa trabaho ng ibang tao. Pwedeng mahirapan ka sa umpisa sa pagsisimula ng negosyo mo pero kapag dumami na ang mga tao mo, pwedeng wala ka nang ginagawa, kumikita ka pa, kagaya ni Lucio Tan at Henry Sy!
Sa susunod kong POST,, ipapakita ko na sa iyo yung negosyong sinasabi ko na pwede mong gawin, HINDI mo kailangan ng malaking puhunan pero pwede mong ikayaman. Ang negosyong ito, may LEVERAGE din, na kapag trinabaho mo, pwede mong maging kagaya sina Henry Sy at Lucio Tan!
Till then!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment