Saturday, February 7, 2015
Hi FRIEND,
Ano ang kulang sa sipag at tyaga at hindi yumayaman kung masipag at matyaga lang ang isang tao? Simple lang. Tamang direksyon!
Tamang direksyon po ang kulang. Ang pagyaman mo, depende kung saan ka masipag at matyaga. Kung mali ang direksyon mo, kahit gaano ka pa kasipag at katyaga, hindi naman sa direksyon ng pagyaman ang ginagawa mo, hinding hindi ka rin yayaman!
Kung nasa tamang direksyon ka, magsipag ka at magtyaga ka, siguradong yayaman ka. Ano ano ba ang mga tamang direksyon sa pagyaman? Ito ang ilan sa mga tamang direksyon.
Una. Special talent. Kung may special talent ka, pwede kang yumaman kung dito ka magpapakasipag at magpapakatyaga. Halimbawa, kung magaling kang magboxing, dito mo iukol ang sipag at tyaga mo. Kagaya ni Manny Pacquiao. Kung maganda ang boses mo, maging singer ka. Kung may itsura ka, pwede kang mag-artista! Nakuha mo na ang idea? Ang dami nang yumaman dahil sa special talent nila!
Pangalawa, kung wala ka namang special talent, pwede kang mag-business! Negosyo! Alam nyo ba na ang mga negosyante ang yumayaman at hindi ang mga empleyado nila? Oo naman. Ang mga negosyante ang mga yumayaman dito sa Pilipinas.
Kaso, sasabihin mo naman, gusto ko talagang magnegosyo, Marhgil. Kaso, wala naman akong pangkapital! Wala akong pampuhunan! P20 Million sa Jollibee franchise, saan ako kukuha noon? Wala namang yumaman na sari-sari store lang ang negosyo.
Naiintindihan kita Jhun. Paano nga tayo yayaman kung wala na tayong special talent, wala pa tayong malaking kapital na pangnegosyo? May pag-asa pa ba para yumaman?
May ipapakita ako sa iyong isang negosyo sa susunod na POST, na hindi mo kailangan ng malaking puhunan, pero pwede mo ring ikayaman. Ano yun? Hindi ko muna sasabihin, abangan nyo po ang susunod kong POST!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment